WATCH: BTS binigyan ng tribute ang ‘The Beatles’ sa performance nila sa isang American talk show

Twitter Photo
Binigyan ng tribute ng Korean boy group na BTS ang grupong “The Beatles” nang sila ay mag-guest at mag-perform sa American talk show na “The Late Show with Stephen Colbert.

Inawit ng grupo ang latest single nila na “Boy With Luv” sa makasaysayang Ed Sullivan Theater sa New York City.

Sa nasabing lugar din nang nagkaroon ng U.S debut ang “The Beatles” mahigit 50 taon na ang nakararaan.

Ang broadcast ng performance ng BTS ay ginawang black-and-white at nakasuot sila ng itim at puti rin na matching suits.

Sa drum set na nasa background ay may nakasulat ng “BTS” na gamit ang signature font ng “The Beatles”.

Magugunitang naikukumpara sa “The Beatles” ang naging tagumpay ng BTS dahil gaya ng Beatles, ang BTS ay nagkaroon din ng tatlong Number 1 albums sa Billboard 200 chart sa loob ng isang taon.

Read more...