8 katao patay sa banggaan ng van at 6-wheeler truck sa Babatngon, Leyte

Patay ang walo katao habang nasa 11 ang sugatan sa banggaan ng isang pampasaherong van at 6-wheeler truck sa Sitio Tab-ang sa bayan ng Babatngon Leyte dakong 6:15 biyernes ng umaga.

Patungo sana ng Tacloban City ang van nang mangyari ang sakuna.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, mabilis ang takbo ng truck na may kargang buhay na baboy at tumawid sa kabilang lane dahilan para mabangga nito ang van.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga biktima.

Read more...