19 sugatan sa bumaligtad na van sa Tayabas, Quezon

Sugatan ang hindi bababa sa 19 na pasahero ng isang van makaraang maaksidente sa bahagi ng Barangay Lakawan, Tayabas City, Quezon.

Ayon sa Tayabas City police, nangyari ang aksidente alas 11:30 ng umaga ng Huwebes, May 16.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng van na si Crispin Almarinez Jr., habang binabagtas ang provincial road hanggang sa tumama sa puno ng narra at tuluyang bumaligtad ang sasakyan.

Isinugod naman sa Tayabas Community Hospital ang mga nasugatan.

Read more...