2 arestado sa buy-bust operation sa Parañaque

Arestado ang dalawang babae sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Parañaque, Biyernes.

Naaresto si alyas “Kaye”, 30 taong gulang matapos magbenta ng P200 na halaga ng shabu sa isang undercover na pulis sa Barangay San Dionisio.

Samantala, arestado rin si alyas “Duday”, 22 taong gulang na nakasabay ng mga operatiba sa pagbili ng shabu kay alyas “Kaye”.

Walong sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang naarestong drug suspect.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...