Ito ay bahagi ng imbestigasyon sa umano ay pagkakasangkot ng mga opisyal ng simbahan sa sexual abuse.
Ayon sa mga otoridad, isang pari ang pinaghahanap ngayon na nakilalang si Edmundo Paredes, isang Pinoy dahil sa kinakaharap na reklamong pang-aabuso.
Maliban kay Paredes mayroong iba pang alegasyon ng sexual abuse sa iba pang mga suspek na opisyal ng simbahan.
Bitbit ang search warrant ay nagtungo ang Dallas police sa headquarters ng diocese at hinalughog ang storage location at opisina ng simbahan.
Si Paredes ay kinasuhan na ng sexual abuse dahil sa pangmomolestya umano sa isang bata at tatlong iba pang menor de edad.
Ilang dekada na itong naninilbihan sa simbahan sa Dallas pero kamakailan, bigla itong nawala at pinaniniwalaang nagtatago ng Pilipinas.
Tiniyak naman ni Dallas Bishop Edward Burns ang pakikipagtulungan ng simbahan sa mga otoridad.