Ayon sa PAGASA apektado ng ridge ng high pressure area ang eastern section ng Luzon.
Dahil dito ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw na mayroong isolated n a pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Maaring magdulot ng pagbaha ang mga mararanasang malakas na buhos ng ulan.
Wala namang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA sa loob at labas ng bansa.
Kahapon ang 35.7 degrees Celsius na maximum na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City dakong alas 2:50 ng hapon at umabot sa 38.4 degrees Celsius ang naitalang heat index.
MOST READ
LATEST STORIES