Habang naka bed rest dahil sa aksidente sa loob ng kanyang kwarto ay gumawa si Kris ng sulat para kay Isko.
Sa sulat ay nakasaad na mataas ang respeto ni Kris sa dalawang nakalaban ni Isko na sina Mayor Joseph Estrada at dating Mayor Alfredo Lim.
Ayon sa aktres, handa siyang tumulong sa batang alkalde para ma-promote ang Maynila sa buong mundo.
Binanggit nito ang mga magagandang lugar sa lungsod na dinarayo ng mga turista.
Sinabi pa ng aktres na hindi mapapahiya ang mga taga Maynila dahil Gen X pa si Mayor Isko at alam nito ang halaga ng social media ngayon.
Nagboluntaryo pa si Kris na mag-host ng ilang program na pwedeng i-upload sa social media para maengganyo ang mga balikbayan pati mga millennials na makilala ang capital city ng Pilipinas.