Sa isang panayam, sinabi ni Dela Rosa na gusto niyang kumuha ng seminar tungkol sa proseso ng lehislatura.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat pa ngang purihin si Dela Rosa sa pag-amin sa kanyang kahinaan.
Iginiit ni Panelo na hindi dapat maliitin si Dela Rosa dahil sa mga credentials nito tulad ng pagiging graduate ng Philippine Military Academy (PMA).
Kilala anya ang mga PMA graduates sa kanilang katalinuhan.
“Dapat nga we should commend him for admitting iyong kanyang handicap. Pero huwag nating maliitin, nakakalimutan ng mga kumukwestyon sa kapasidad ni General Bato na PMA (Philippine Military Academy) graduate ito. Hindi ba ang PMA graduates eh known for their intellect, iyong kagalingan nila,” ani Panelo.
Dagdag pa ng kalihim, wala ring karanasan sa lehislatura ang ilang mambabatas nang unang mahalal tulad nina Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Senate President Tito Sotto.