Malacañang: Isyu sa basura hindi makaka-apekto sa OFWs sa Canada

Inquirer file photo

Walang epekto sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Canada ang isyu sa pagitan ng Pilipinas at Canada dahil sa basura.

Pagtitiyak ito ng palasyo sa gitna ng pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ipinarerecall na ang ambassador at consuls sa Canada dahil sa kabiguan nito na abutin ang itinakdang deadline kahapon na bawiin ang mahigit isandaang container van na naglalaman ng  basura na itinapon sa Pilipinas noong 2013.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang pagpaparecall DFA sa mga embassy officials ay pagpapakita lamang na seryoso ang pamahalaan na dapat nang kunin ng Canada ang kanilang mga basura.

Nababagalan na aniya si Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya ipinamamadali na ang paghahakot ng basura.

Hindi mabatid ni Panelo kung ano ang dahilan ng Canada at naantala ang pagkuha sa basura.

“Oh definitely. It goes without saying. We’re always protective of the overseas workers”, ayon pa kay Panelo.

Read more...