Panelo may paliwanag kung bakit nanalo ang ilang narco politician

Inquirer file photo

Nanindigan ang Malacañang na ang matinding pangangailangan ng mga botante ang dahilan kung kaya patuloy na ibinoboto ang mga kandidatong pinangalangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa narco list o ang mga pulitikong sangkot sa operasyon sa illegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iba kasi ang kalakalan sa lokal na eleksyon.

Inihalimbawa ni Panelo ang isang kandidato sa Davao region na bagaman pinangalanan ni Duterte na kasama sa narco list ay panay naman ang tulong sa kanyang mga kababayan.

Naging praktikal lamang aniya ang mga botante kung kaya ibinoto kung sino ang nakatutulong sa kanila kapag may nagkakasakit, dinadala sa ospital o pambili ng gamot.

Kabilang sa mga pinangalangan ni Pangulong Duterte sa narco list sina Leyte Congressman Vicente “Ching” Veloso na na re-elect pa rin sa pwesto, Congressman Jeffrey Khonghun na na muling nanalo sa halalan at Roderick Alcala na nanalong mayor ng Lucena City sa Quezon.

“So kahit naman sa drug list, binoboto pa rin nila – iba ang dynamics eh, more on necessity.  While the President’s already warned, kaya sinasabi niya bahala kayo, ako sinabi ko na sa inyo”, ayon pa sa kalihim.

Read more...