Nagsasagawa na ang imbestigasyon ang Commission on Elections sa viral video ng sinasabing pre-shading sa mga balota.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, gumugulong na ang kanilang imbestigasyon ukol dito.
Sinabi nito na nakita na nila ang video.
Wala naman anyang ebidensya na nagpapatunay kung saan ito nangyari.
Dahil dito, hinikayat ni Jimenez ang uploader ng video na magtungo sa Comelec at maghain ng reklamo.
Makikita sa 39-seconds na video na isang babae ang tila may isinusulat sa mga balota sa loob ng isang animo ay eskwelahan na may mga nakapaligid na tao.
Sinasabing nangyari ang pre-shading of ballots sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Samantala, sinabi ni Comelec Education and Information Division Director Frances Arabe na tila hindi pre-shading ang ginagawa ng babae kundi pinipirmahan ang mga balota ng maramihan.