Ito ay makaraang mabigo ang pamahalaan ng Canada na tumalima sa May 15 deadline ng pamahalaan para kuhanin ang kanilang basura na nasa Pilipinas.
Sa tweet ni Locsin, inaatasan ang lahat ng opisyal ng embahada at konsulada sa Canada na mag-book na ng flight pauwi ng bansa.
Hatinggabi nang ilabas ang letters of recall para sa lahat ng ambassador at consuls ng Pilipinas.
Sinabi ni Locsin na sa susunod na mga araw ay dapat nakauwi na ang mga opisyal.
Magugunitang hanggang May 15 ang ibinigay na deadline ng gobyerno sa Canada para kuhanin ang mga basura.
Sinabi ni Locsin na seryoso ang pangulo sa mga pahayag nitong dapat na gumawa ng hakbang ang Canada para mahakot ang mga basura.