Pinakamahal na kape ibebenta sa California, $75 per cup

Isang tasa ng kape na nasa P3,900 ang halaga.

Sa California, nakatakdang ibenta ang maituturing na pinakamahal na kape na $75 ang kada tasa o katumbas ng P3,900.

Alok ng kumpanyang Klatch Coffee Roasters ang kanilang exclusive brew na Elida Natural Geisha 803 sa kanilang branch sa Southern California at San Francisco.

Maituturing na record-breaking ang presyo ng naturang kape na gawa sa organic beans mula sa Panama.

Limitado ang suplay ng nasabing beans at 100 pounds o 45 kilograms lang ang pwedeng mabili.

Ayon sa website ng Klatch nakakuha sila ng 10 pounds (4.5 kilograms) ng beans.

Inilarawan nito ang mahal na kape bilang rare variety ng Arabica mula sa Panama na mayroong floral, tea-like flavor.

Araw ng Miyerkules sa Amerika, nagpatikim ng free samples ng kape sa San Francisco branch.

Read more...