Turkey, pinipilit na huwag patulan ang panggigipit ng Russia

Mula sa Twitter account ni Mevlut Cavusoglu
Mula sa Twitter account ni Mevlut Cavusoglu

Bagaman iniiwasan ng bansang Turkey na patulan ang mga pagganti ng Russia, aminado ang kanilang foreign minister na umiiksi na ang kanilang pasensya.

Gumaganti kasi ang Russia sa pagpapabagsak ng Turkey sa isa sa kanilang mga jets.

Ayon kay Mevlut Cavusoglu, nais na ng Turkey na matapos na ang tensyon sa pagitan nila ng Russia ngunit mukhang hindi bukas dito ang nasabing bansa dahil ginagamit nito ang lahat ng oportunidad upang makabawi sa Turkey.

Matatandaang naging masama ang epekto ng pagpapabagsak ng Turkey sa isang Russian jet sa relasyon nila sa Russia.

Nagdeklara kasi ng mga economic sanctions ang Russia sa Turkey, at kamakailan lang ay inakyat pa nito sa United Nations Security Council ang pagpapadala ng Turkey ng mga tropa nito sa Iraq.

Ani Cavusoglu, hindi takot o pagka-konsensya ang dahilan kung bakit hindi sila bumubwelta sa mga panggigipit ng Russia.

Read more...