Higit 900 paaralan nakapagtala ng sira noong halalan

Nakatanggap ang Deparment of Education (DepEd) ng daan-daang ulat ukol sa pinsala sa mga paaralan na ginamit noong May 13 elections.

Ayon kay DepEd Undersecretary for administration Alain Pascua, may 949 ulat ng pinsala sa school facilities.

Natanggap anya ang mga ito sa pamamagitan ng DepEd Election Monitoring App na ginamit ng kagawaran para sa kakatapos lamang na halalan.

Ayon kay Pascua, susuriin pa ng regional at division officials ng DepEd ang lawak ng nasabing mga pinsala.

Sakali anyang maberipika na ang mga ulat ay maglalabas ng update ang kagawaran.

Samantala, nauna nang tiniyak ni DepEd Undersecretary for finance Annalyn Sevilla na may quick response fund na magagamit para ayusin ang mga paaralang nasira.

Nakatakda nang simulan ng DepEd ang taunan nitong Brigada Eskwela sa susunod na linggo bilang paghahanda sa pasukan sa Hunyo.

Read more...