M3.2 na lindol naitala sa Masbate

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Masbate ala-1:37 ng madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong anim na kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Dimasalang.

May lalim ang pagyanig na 16 na kilometro.

Tectonic ang dahilan ng lindol at hindi naman ito nakapagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...