Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa “end of the world” para magmukmok na lamang ang mga talunang kandidato.
Kasabay nito, nagpasalamat ang Malakanyang sa mga lumahok sa eleksyon noong Lunes.
Lumaban aniya ng patas ang mga kandidato at nakipagsapalaran subalit hindi pinalad.
Nagsalita na anya ang mayorya ng mga Pilipino at dapat na sundin at igalang ito ng mga kandidato.
“Well, hindi ba, we have thank you for fighting a good battle. You tried your luck and you fought well. But as the rule of majority says, whoever triumphs will have to yield to that rule. Pero it’s not the end of the world for those who lost. I have so many friends who lost, mga personal friends. Pero ganiyan talaga ang buhay. Marami kasing … like in the local elections iba ang dynamics sa local eh. Grabe, ibang-iba,” pahayag ni Panelo.