M4.2 na lindol yumanig sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol sa bahagi ng Surigao del Sur alas-10:56 Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 84 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Cortes.

May lalim ang pagyanig na 19 na kilometo at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...