Oposisyon sa senado hindi hihikayatin ng Malakanyang na sumama sa majority bloc

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na hikayatin ang oposisyon sa senado na tuluyan nang umanib sa majority bloc.

Ayon kay Presidential Spokesman salvador panelo, mas magandang manatili ang oposisyon sa kabilang bakod para may check and balance

Ayon kay Panelo, mas buhay ang demokrasya kung mananatili ang set up ng senado na mayroong oposisyon.

Sa ngayon mananatiling miyembro ng minority bloc sina Senators Riza Hontiveros, Leila de Lima, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan at Ralph Recto.

Matatatandaang sa katatapos na eleksyon noong Lunes, nakuha ng mga kaalyadong senador ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mayoryra sa labingdalawang pwesto sa senado.

Read more...