Naitalang karahasan na maaring may kaugnayan sa eleksyon umabot lang sa 41 – PNP

Umabot lang sa 41 karahasan na posibleng may kaugnayan sa eleksyon ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, ang 41 insidente ay isasailaim pa sa validation upang makumpirma kung talagang election-related ang mga ito.

Kinabibilangan ito ng mga insidente ng komosyon, pananakit, attempted murder at pamamaril, kasama na ang pagpatay sa isang barangay kagawad sa Clarin, Misamis Occidental na tinambangan matapos bumoto.

Sinabi ni PNP chief, General Oscar Albayalde, agad din namang natugunan ng mga otoridad ang mga inaitalang insidente ng kaguluhan.

Nakapagtala din ang PNP ng 60 pAng 41 insidente ay isasailaim pa sa validation upang makumpirma kung talagang election-related ang mga ito.

Read more...