12 mananalong senador maipoproklama ngayong linggo – Comelec

Sa loob ng linggong ito inaasahang makapagpo-proklama na ng mga nanalong senador ang Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, target ng Comelec na maiproklama na ng sabay-sabay ang lahat ng 12 mananalong senador.

Inaasahan ni Jimenez na sa loob ng linggong ito o bago mag-weekend ay maisasagawa na ang proklamasyon.

Martes (May 14) ng hapon nang ganap na umpisahan ng Comelec ang canvassing at paglalabas ng opisyal at partial na resulta ng eleksyon.

Read more...