LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, May 15

Muling nabawasan ang water level sa karamihan ng mga dam sa Luzon.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ngayong umaga ng Miyerkules, May 15, nasa 174.14 meters ang water level sa Angat dam.

Nabawasan ito ng 0.23 meters kumpara sa 174.37 meters na water level nito kahapon.

Ang La Mesa dam naman ay bahagya ring nabawasan ang water level at ngayon ay nasa 68.52 meters.

Ang Ipo dma, Ambuklao dam, Binga dam, San Roque dam, at Caliraya dam ay pawang nabawasan ang water level.

Habang ang Pantabangan dam naman at Magat dam ay bahagyang nadagdagan.

Read more...