Loren Legarda naiproklama na bilang nanalong kongresista sa Antique

IG Photo
Naiproklama na si Senator Loren Legarda bilang bagong kongresista sa lalawigan ng Antique.

Ginawa ang proklamasyon kay Legarda madaling araw ng Miyekules, May 15 matapos makakuha ng 199,187 na boto.

Ang kalaban ni Legarda na si Exequiel Javier ay nakakuha lamang ng 69,716 na boto.

Tatlong dekada ring dinomina ng pamilya Javier ang Antique.

Sa kaniyang Instagram post nagpasalamat si Legarda sa mga sumuporta sa kaniya.

Sinabi rin nitong magiging prayoridad niya ang mga batas na magbibigay ng trabaho at livelihood sa mga mamamayan ng Antique.

Read more...