Yellow alert itinaas ng NGCP sa Luzon grid

Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow alert.

Ayon sa NGCP, ang pag-iral ng yellow alert sa Luzon ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ngayong araw ng Miyerkules, May 15.

Ito ay dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.

Ayon sa NGCP, mayroong 11,845 megawatts na available capacity sa Luzon habang 11,214 megawatts ang peak demand.

Hindi naman inaasahan ang pagpapatupad ng rotational brownout bunsod ng yellow alert.

Read more...