Residential building sa Maynila, tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang isang apat na palapag na residential building sa Sampaloc Maynila.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 6:00 ng umaga sa bahagi ng Anzures at Ventura Streets.

Umabot sa unang alarma ang sunog at naideklarang fire out alas 6:42 ng umaga,

Wala namang nasaktan o nasugatan sa sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...