Biyahe ng MRT-3 nagka-aberya sa kasagsagan ng rush hour kahapon

Nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng MRT-3 sa kasagsagan ng rush hour kahapon.

Ayon sa DOTr-MRT-3 isang tren nila ang nagkaroon ng technical problem sa pagitan ng Ayala at Magallanes stations Southbound.

Nangyari ang aberya alas 4:53 ng hapon ng Martes (May 14).

Agad namang nagpadala ng technicians ang MRT-3 para kumpunihin ang nasirang tren.

Alas 5:16 ng hapon nang maibalik sa normal ang biyahe ng MRT-3.

Read more...