Toby Tiangco naiproklama na bilang nanalong mayor sa Navotas

Ipinroklama na bilang nanalong mayor ng Navotas si Toby Tiangco.

Matapos ang tatlong termino niya bilang kongresista ay tumakbong mayor si Toby.

Nakakuha si Toby ng 78,778 na boto at tinalo ang katunggali na si Di Ang na nanakuha ng 33,316 na boto.

Si Clint Geronimo naman ang nahalal na vice mayor ng Navotas.

Samantala, ang kapatid ni Toby na si John Rey ay nanalo naman bilang kinatawan ng lone district ng Navotas.

Read more...