Mainit na panahon mararanasan muli sa bansa ngayong maghapon

Apektado ng Ridge of High-Pressure Area (HPA) ang eastern section ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 na oras, ang buong bansa ay makararanas ng mainit at maalinsangang na panahon.

Magkakaroon lamang ng isolated na mga pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Kahapon nakapagtala ng maximum na 36.2 na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City, umabot naman sa 40.6 degrees Celsius ang naitalang heat index.

Read more...