ACT-CIS nangunguna sa party-list race

Pinangungunahan ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT) party-list ang party-list race batay sa partial at official count ng Commission on Elections (Comelec) na umuupong National Board of Canvassers (NBOC).

Hanggang 9:30 Martes ng gabi kung saan 34 clustered precincts na ang nabilang, nagtala ang ACT-CIS ng 560,220 votes o mahigit 300,000 na lamang sa pumangalawa na Bayan Muna na mayroong 216,673 votes.

Ang ACT-CIS ay inindorso ng broadcaster na si Erwin Tulfo na kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pangatlo ang Ako-Bicol party-list (174,268 votes), Probinsyano Ako (154,554 votes), Cibac (146,751 votes) at Ang Probinsyano (116,275 votes).

Pasok din sa Top 10 ang sumusunod:

Gabriela (109,303 votes)

Buhay (105,454 votes)

1-Pacman (112,348 votes)

Senior Citizens (110,086 votes)

Philreca (86,315 votes)

Nakakuha naman ng mahigit 58,000 votes ang sumusunod:

SBP (83,881 votes)

Apec (83,231 votes)

Magsasaka (80,646 votes)

Coop-Nattco (78,707 votes)

Alliance of Concerned Teachers (68,607 votes)

Marino (67,752 votes)

Duterte Youth (64,882 votes)

Tingog Sinirangan (61,928 votes)

Abante Pilipinas (59,320 votes)

Ako Bisaya 58,000

Magre-resume ang canvassing ng NBOC alas 10:00 Miyerkules ng umaga.

Ang No. 1 na party-list ay makakakuha ng 3 seats sa Kamara habang ang ibang party-list ay magkakaroon ng 1 hanggang 2 seats depende sa makukuhang boto.

Read more...