Produksyon ng palay bumaba sa Q1 ng 2019

Bumaba ng limang porsyento ang produksyon ng seasonally adjusted palay (unhusked rice) sa gitna ng nararanasang tagtuyot sa bansa.

Ayon sa huling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang naaning palay sa unang kwarter ng 2019 ay 4.69 million metric tons (MT) lamang, mababa kumpara sa 4.92 million MT sa kaparehong panahon noong 2018.

Mas mababa rin ng 0.4 percent ang produksyon noong unang kwarter kumpara sa 4.71 million MT noong 4th quarter ng 2018.

Itinuturong dahilan ng mababang produksyon ng palay ang epekto ng dry spell sa Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Soccsksargen.

Samantala, nakaapekto rin ang mga pagbahang dala ng mga bagyo sa huling bahagi ng 2018 ang mababang produksyon ng Palay sa Bicol Region.

Ganito rin ang epekto ng pagbaha dulot naman ng low pressure area (LPA) sa Davao Region noong Enero.

Read more...