Irigasyon sa mga sakahan sa Bulacan at Pampanga hanggang ngayong araw na lang

Hanggang ngayong araw, May 15 na lamang makakakuha ng irigasyon mula sa Angat Dam ang mga lupang pansakahan sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

Ito ay upang iprayoridad ang suplay ng tubig sa mga residente para sa Metro Manila.

Ipinag-utos ang suspensyon ng alokasyon ng tubig para sa irigasyon upang matipid ang tubig sa Angat Dam.

Nauna nang sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) Director Sevillo David Jr. na hindi naman lubhang maapektuhan ang mga pananim sa pagsuspinde ng irigasyon mula sa dam.

Patapos na anya kasi ang cropping season at malapit na ang panahon ng ani.

Patuloy ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam na kahapon ay nasa 174.37 meters, mas mababa sa minimum operating level na 180 meters.

Read more...