Anak ni dating Tanauan Mayor Antonio Halili, nangunguna sa mayoral race

Nangunguna sa partial at unofficial count sa pagkaalkalde ng Tanauan City ang anak ng napaslang na si dating Mayor Antonio Halili.

Sa resulta mula sa 75.17% ng election returns alas 11:24 ng gabi, nakakuha si Angeline ‘Sweet’ Halili ng 31,121 votes laban kay Sonia Aquino na may 20,167 votes.

Ang running mate ni Halili na si Jun Trinidad ay nangunguna rin sa vice mayoral race sa 37,572 votes laban kay Marissa Tabing na may 23,490 votes.

Nanindigan si Sweet Halili na ipagpapatuloy niya ang laban ng kanyang ama.

Ang kanyang ama ay nasawi sa pamamaril noong July 2, 2018 habang nasa isang flag ceremony.

Kilala ang pumanaw na alkalde sa kanyang ‘walk of shame’ o pagpaparada sa mga kriminal.

Read more...