Makaraan ang 24-oras makalipas ang halalan ay naiproklama na sa Maynila si Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilalang nanalong alkalde ng lungsod.
Pasado alas-siyete ngayong gabi ng itaas ng mga miyembro ng City Board of Canvasser ang kamay ni Moreno.
Si Moreno ay nakakuha ng kabuuang 357,925 boto laban sa re-electionist na si Mayor Joseph Estrada na mayroong 210,605 boto.
Nasa ikatlong pwesto naman si dating Manila mayor Alfredo Lim na nakakuha ng 138,923 boto.
Sa kanyang talumpati ay inamin ni Moreno na isang malaking tungkulin ang kanyang kakaharapin sa pagsasa-ayos ng pamamahala sa lungsod.
Kasabay nito ay nagpasalamat siya sa kanyang mga tagasuporta at mga kaanak.
Mula sa isang simpleng basurero, nangako si Moreno na hindi niya bibiguin ang mga nagbigay sa kanya ng boto para pataubin ang mga malalaking pulitiko na kanyang nakaharap sa halalan.