Mga suspek sa pagsunog ng vote counting machines sa Isabela kilala na

Photo: PNP-PRO2

Kinilala ng Philippine National Police Regional Office 2 ang dalawang suspek sa pagsunog sa ng dalawang vote counting machines o VCMs sa Brgy. Sta. Isabel, sa bayan ng Jones, Isabela.

Kinumpirma ni Lieutenant Colonel Chevalier Iringan sa ngalan ni Regional Director Jose Mario Espino ang pagkakakilalan ng dalawang suspek na Jayson Leanyo, residente sa bayan ng Sta. Isabel, at si Rodel Pascual na hindi pa matukoy ang address.

Ginamit umano ng mga suspek ang isang light colored vehicle sa pagharang sa trak na kinalalagyan ng mga sinunog na VCM.

Nakilala ang mga suspek base na rin sa mga naging testimonya ng ilang mga nakasaksi sa pangyayari.

Umaapela naman sa mga kamag anak ng mga suspek ang PNP kung may impormasyon sila sa kinaroroonan ng dalawa at kung maari anila ay sumuko na lamang.

Under investigation pa rin ang insidente at patuloy na inaalam yong motibo sa pagsunog sa dalawang vcms.

Kaninang hapon ay natagpuan ng mga otoridad ang pick-up truck na sinakyan ng mga suspek na nasusunog hindi kalayuan sa lugar kung saan rin sinunog ang mga VCM.

 

 

Read more...