Mga pulis na nakisawsaw sa pulitika posibleng masibak ayon sa PNP

Inquirer file photo

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagkakasangkot umano ng mahigit-kumulang isang libong pulis sa partisan politics.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP chief, Gen. Oscar Albayalde na ilan sa mga pulis ay nagsilbi umano bilang security aide ng mga kandidato.

Ilan aniya ang mga ito ay ni-relieve at isinasailalm sa imbestigasyon.

Pinaalalahanan naman ng PNP chief ang lahat ng pulis na maging tapat at magkaroon ng non-partisan character bilang kasapi ng isang law enforcement agency.

Bago pa lamang ang araw ng halalan ay nauna nang sinampahan ng reklamo ang ilang tauhan ng PNP dahil sa pagpanig sa ilang mga pulitiko lalo na sa mga lokal na posisyon.

Read more...