Rapu-Rapu, Albay niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Rapu-Rapu sa lalawigan ng Albay.

Naitala ang lindol sa 15 kilometers northwest ng Rapu-Rapu, alas 9:36 ng umaga ng Martes, May 14.

May lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala naman ang Intensity III sa Legaspi City bunsod ng naturang lindol.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

Read more...