Bukod sa dating aktor na si Isko Moreno na nanalong bagong Mayor ng Lungsod ng Maynila, nanalo din ang ilan sa mga kandidatong artista.
Sigurado na ang panalo ng aktor na si Daniel Fernando bilang Governor ng Bulacan na lubhang malaki ang lamang sa kalabang si Agila Natividad.
Tagumpay din ang singer na si Imelda Papin sa pagka-bise gobernador ng Camarines Sur.
Nabigyan din ng bagong termino si Richard Gomez bilang Ormoc City Mayor maging ang misis niyang si Lucy Torres-Gomez bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Leyte.
Inaasahan na rin na mabibigyan ng bagong termino ang Star for all season na si Vilma Santos-Recto bilang kongresista ng ika-anim na distrito ng Batangas.
Wagi naman ang beauty queen na si Ina Alegre Cruz bilang Mayor ng Pola, Oriental Mindoro.
Samantala, naiproklama na bilang Representative ng 5th District ng Quezon City ang aktor na si Alfred Vargas.
Pasok din bilang konsehal ng Paranaque si Vandolf Quizon habang ang It’s Showtime host na si Jhong Hilario ay panalo bilang konsehal sa unang distrito ng Makati.
Sigurado na rin ang pagbabalik sa Kongreso ni Dan Fernandez na wala halos kalaban bilang kinatawan ng unang distrito ng Laguna habang si Jolo Revilla ay muling nahalal bilang Vice Governor ng lalawigan ng Cavite maging ang kanyang ina si Lani Mercado bilang Mayor ng Bacoor City.
Samantala, inaasahan na rin ang pagbabalik sa senado nina Lito Lapid at Bong Revilla.2019
Sa kabila ng tagumpay ng maraming artistang pumasok sa pulitika marami ring mga celebrities ang nabigo sa kanilang kandidatura.