Otso Diretso candidate Pilo Hilbay tinanggap na ang pagkatalo

Nag-concede na din ang isa pang kandidato ng Otso Diretso na si Pilo Hilbay.

Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Hilbay na isa sa great privileges sa kaniyang buhay ay ang makapangampanya.

Samu’t saring istorya aniya ang nadinig niya sa kampanya.

Mga kwento ng pag-asa, inspirasyon, at iba pa.

Sinabi ni Hilbay na lahat ng ito ay hindi niya kalilimutan.

Sa huli ay nagpasalamat si Hilbay sa mga sumuporta sa kaniya.

Read more...