Sotto at Romulo naghihintay pa rin ng proklamasyon

FB Photo
Dismayado si Vico Sotto sa patuloy na pagkakabinbin ng kaniyang proklamasyon bilang nagwaging mayor sa Pasig City.

Pasado alas 9:00 ng umaga hindi pa rin naipoproklama si Sotto at running mate niyang si dating Pasig City Rep. Roman Romulo.

Landslide ang pagkakapanalo ni Sotto na nakakuha ng 201,028 na boto kumpara sa katunggali na si incumbent mayor Bobby Eusebio na may 116,414 na boto.

Habang malaki din ang lamang ni Romulo na nakakuha ng 216,202 votes kumpara sa 94,362 na nakuha ng kalaban niyang si Ricky Eusebio.

Ayon kay Sotto, hiniling na ng kanilang mga abogado sa Board of Canvassers na ibaba sa 96 percent ang threshold para sa proklamasyon dahil ‘mathematically impossible’ nang manalo pa ang kanilang kalaban.

Hanggang ngayon, walang pang approval ng Comelec Regional Director ang hiling ng kampo nina Sotto.

Sinabi ni Sotto na handa naman silang maghintay pero dapat ipaliwanag ng Comelec kung ano ang dahilan ng delay.

Read more...