Jaime Fresnedi naiproklama na bilang nanalong mayor sa Muntinlupa

Pormal nang naiproklama na ang bagong halal na congressman, mayor at vice mayor ng Muntinlupa City.

Alas 9:19 ng umaga ng Martes, May 14, nakumpleto ang 100% transmitted votes ng Muntinlupa City Board of Canvassers.

Panalo si Ruffy Biazon ng PDP-LABAN bilang congressman at nakakuha siya ng 169,756 votes.

Ang incumbent at reelectionist mayor na si Jaime Fresnedi naman ng Liberal Party ang nagwagi na may botong 164,144.

At ang bagong halal na vice mayor ay si Temy Simundac ng PDP-LABAN na nakakuha ng 116,825 votes

Samantala, dagsa naman ang mga supporters nina Mayor-Elect Fresnedi, Vice Mayor-Elect Temy Simundac at Congressman Biazon sa harap ng Muntinlupa Municipal Building para ipakita ang suporta.

Read more...