Ayon sa EcoWaste, sa halip na basta na lang itapon, maaring i-recycle ang mga campaign materials at pwede pang pakinabangan.
Ipinakitang halimbawa ng grupo ang mga bag, school supplies, at iba pa na pwedeng magawa mula sa mga campaign material.
Pakiusap ni Thony Dizon ng EcoWaste sa mga kandiadto huwag sunugin at huwag ikalat ang campaign materials.
Sa mga nahakot na campaign materials ng EcoWaste najagawa na sila ng mga bag mula sa mga campaign poster nina Makati Mayor Abby Binay, Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at Sen. JV Ejercito.
Sa pagtaya ng EcoWaste, nasa 30 kilo na plastic scrap ang nalikom nila at nai-recycle para gawing bag.
Ang mga papel na campaign materials naman ay maaring gawing folders, memo pads, envelopes, at iba pa.