Senatorial candidate Jiggy Manicad nag-concede na

Comelec Photo

Tinanggap na rin ni independent senatoriable Jiggy Manicad ang pagkatalo sa katatapos na midterm elections.

Sinabi ni Manicad na pumasok na ang mahigit 90 percent ng resulta ng eleksyon base sa partial/unoficial result sa transparency servcer ng PPCRV.

Klaro na aniya ang naging resulta ng eleksyon.

Pinasalamatan ni Manicad ang mahigit 6 na milyon na botanteng nagtiwala sa kaniya.

Maging ang mga volunteers na aniya ay hindi biro ang naging sakripisyo ay pinasalamatan din ni Manicad.

Si Manicad ay kasama sa labingtatlong kandidato na sinuportahan ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Read more...