Operasyon ng mga transmission line ngayong araw normal ayon sa NGCP

Normal ang suplay ng kuryente sa bansa ngayong araw.

sa pagpapatuloy ng bilangan para sa katatapos na midterm local at national elections, sinabi ng National Grid Corporation (NGCP) na normal ang operasyon ng lahat ng kanilang transmission lines at pasilidad.

Ito ay base sa 2019 situation update ng NGCP na inilabas alas 9:00 ng umaga.

Dahil dito, sinabi ng NGCP na walang pagnipis ng reserba ng kuryente ngayong araw maliban na lamang kung magkakaroon ng mga hindi inaasahang pagpalya sa mga planta ng kuryente.

Read more...