Otso Diretso candidate Romulo Macalintal tinanggap na ang pagkatalo

INQUIRER Photo

Tinanggap na ni Otso Diretso senatorial candidate Romulo Macalintal ang kaniyang pagkatalo sa katatapos na halalan.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Macalintal na nagpapasalamat siya sa oportunidad na maranasang maialok ang kaniyang serbisyo sa bayan.

Ani Macalintal, lumilitaw sa resulta mula sa mga clustered precincts na mayorya ng mga botante ay pinili ang ibang mga kandidato.

Inirerespeto umano niya ang pasya ng mga botante at tinatanggap niya ang pagkatalo.

Binati din ni Macalintal ang lahat ng mananalong senador na aniya nakakuha ng buong tiwala ng publiko para manilbihan sa susunod na anim na taon.

Si Macalintal ang unang senatorial candidate mula oposisyon na nag-concede.

Read more...