British, dalawang iba pa arestado matapos mahulihan ng shabu sa Malate

MPD-PIO Photo

Arestado ang isang British national at dalawang iba pang kasamahan nito matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Philip Joseph, 47 anyos; Josephin Olayao, 38 anyos at Rodolfo Del Rosario, 42 anyos.

Dinakip ang tatlo sa isang condominium sa Mabini Street sa Malate.

Nakuhanan sila ng apat na maliliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Dinala na sa Malate police ang mga suspek at mahaharap sila sa karampatang kaso.

Read more...