Pormal nang naiproklama si Joy Belmonte bilang nagwaging alkalde sa Quezon City.
Pasado alas 8:00 ng umaga ng Martes, May 14, si Belmonte ay mayroong boto na 469,298 na boto habang ang mahigpit niyang kalaban na si Bingbong Crisologo ay may boto na 365,820.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Belmonte na matapos ang proklamasyon, magpapahinga muna siya ng ilang araw.
Matapos ito ay paghahandaan na niya ang pagganap sa tungkulin bilang alkalde.
Nais ni Belmonte na agad maibigay sa mga residente ng Quezon City ang mga ipinangako niya sa mga ito nuong kampanya.
Nangako si Belmonte na ipagpapatuloy ang lahat ng nasimulan na mga programa at proyekto ni outgoing Mayor Herbert Bautista.
Samantala, naiproklama na rin si Gian Sotto bilang nanalong vice mayor sa Quezon City.
Nakakuha si Sotto ng 382,219 na boto kumpara sa 343,130 na boto ni Jopet Sison.
Naiproklama na rin ang mga nanalong konsehal sa lungsod.