Naging kontrobersyal ang halalan sa bayan ng Rodriguez makaraang ang mag-amang mayor at vice mayor ay kapwa mapasama sa narco-list na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.
Dahil third termer na ang incumbent mayor na si Elyong Hernandez ay siya ang tumakbong vice mayor, habang ang anak niyang si Tom Hernandez na incumbent vice mayor ang tumakbong mayor.
Sa final na resulta ng eleksyon sa Rodriguez, si Tom ay nakakuha ng 40,527 na boto at naiproklama na bilang siyang nanalong alkalde ng bayan.
Nasa 2,003 na boto lang ang lamang niya sa kaniyang kalaban na si Romy Grecia na isang independent candidate at hindi kilalang pulitiko.
Natalo naman ang kaniyang ama na si Elyong Hernandez sa pagka-bise alkalde at ang kandidato na baguhan lamang din sa pulitika na si Nes Lirazan ang nanalo.
Naiproklama na rin ang walong konsehal na nanalo sa Rodriguez.
Kabilang sa mga nagwaging konsehal ang mga sumusunod:
Bonna Aquino
Edgardo Sison
Judith Cruz
Ronaldo Umali
Deck Buizon
Grem Simbulan
Arnold Rivera
Melo Sta. Isabel
Hindi naman pinalad na manalo bilang konsehal si Dagul Pastrana o mas kilala bilang ‘Dagul’ sa Goin Bulilit ng ABS-CBN matapos na matapos lamang sa pang-16 na pwesto.