Pasado alas 4:00 ng madaling araw ng Martes, May 14 ay ginawa ang proklamasyon kay Peña.
Nakakuha si Peña ng 71,035 na boto kumpara sa 65,229 na boto ni Binay.
Ayon kay Peña malaking tulong ang ginawa niyang walang humpay na pangangampanya.
Bago ang proklamasyon, naghain pa ng mosyon ang kampo ni Binay para i-delay muna ang pagproklama kay Peña.
Ito ay dahil sa hindi umano pagkakapreho ng bilang ng botong nakulekta sa bilang ng mga botanteng bumoto.
Pero ibinasura lamang ni Election Officer IV Atty. Jayvee Villagracia ang mosyon at sa halip inabisuhan ang kampo ni Binay na maghain na lang ng protesta.
MOST READ
LATEST STORIES