Mayor Abby Binay naiproklama na

Naiproklama na si Abby Binay bilang mayor ng Makati City.

Ito na ang ikalawang termino ni Mayor Abby sa lungsod matapos ang landslide victory laban sa apat na katunggali kabilang ang kaniyang kapatid na si Junjun Binay.

Base sa resulta mula sa Makati City Board of Canvassers, nakakuha si Abby ng 179,522 na boto habang pumangalawa si Junjun na nakakuha ng 98,653 na boto.

Sinundan sila nina Ricky Yabut, Rene Bondal, Wilfredo Talag at Love Alanzalon.

Hindi naman dumating si Mayor Abby sa Makati Coliseum nang isagawa ang proklamasyon.

Read more...