Tumatakbong vice mayor sa Salug, Zamboanga del Norte inaresto sa pagdadala ng baril

Arestado ang Vice Mayoralty candidate ng Salug, Zamboanga del Norte Sergio Bihag makaraang makuhanan ng baril at bala dakong alas-3:00 lunes ng madaling araw.

Ayon kay Police Staff Sergeant Pet Andy Carino, nakuhanan si Bihag at ang kasama nito ng dalawang baril at bala sa Barangay Pucay.

Si Bihag at kasama nito ay nakakulong ngayon sa Salug Municipal Police Station at nahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Paglabag sa Election Gun Ban.

Read more...